Thank you for visiting SNEWPapers!
Sign up freeFilipino Forum
Seattle, King County, Washington
What is this article about?
A Filipino poem by Jose Corazon de Jesus, dated June 15, 1930, in the Filipiniana Section. It portrays a mother's farewell to her departing daughter, the daughter's suffering and visions of her mother's memory in sky tears, sea tears, and flowers. The poem reflects on tears as bitter yet healing, transforming into dew, pearls, and strength, ending with the daughter's resilient return.
Merged-components note: Merged adjacent image, section title, and literary content (poem/short story) for the Filipiniana section based on spatial proximity and logical grouping.
OCR Quality
Full Text
FILIPINO FORUM
FILIPINIANA SECTION
---Marahil, inang, ay matatagalan ako nang pagkakalayo sa iyo at sa mantalang ako'y wala, kung ang mahihina kong bagwis ay baliin ng hangin, kung ang sariwá kong labi ay mangitim sa paghalik sa kurus ng dalita, ano inang ang aking gagawin?
---Tanging bunso, kung gabi ay tumingin ka sa langit at doo'y makikita mo ako, kung umaga'y hagkan mo ang mga bulaklak at masisimsim mo rin ako, at kung naglilibot ka sa pangpang ng dagat ay pulutin mo ang isang kabibi't doo'y makukuha mo ang aking huling alaala sa iyo.
Ang pag-ibig ay gumawa ng kanyang paglulupit, at si Lilia ay nasugatan nang labis, tumingin siya sa langit at nakita niya ang alaala ng kanyang ina:
Luhang nasa langit.
At nang malagas nang lahat ang pag-asa ng kanyang buhay ay nagtitipon siya ng mga bulaklak at sa loob;
At sumagap siya ng sariwang hangin sa pangpang ng dagat.
Luha ng karagatan.
Kaya kanyang naisatula:
Ang luha ng Hatinggabi ng malaglag,
naging hamog sa talulot ng bulaklak,
naging perlas sa kabibing nakabukas,
naging luha sa mata kong umiiyak.
Luha, mapait na luha.
Lunas ka sa nahihirapan.
Gamot ka sa nagdurusa.
Init ng pusong sa mata sumusungaw.
Dugong puti ng kalulwa.
Nang magbalik na ang anak, sa piling ng ina, ay matibay na, matapang na, malakas na, sa ano mang kasawian, paano'y nakatikim na ng mapapait na luha....
Oh, luha,
butil ng perlas.
Tala ng langit.
Pag-ibig ng dalaga
---Jose Corazon de Jesus
What sub-type of article is it?
What themes does it cover?
What keywords are associated?
What entities or persons were involved?
Literary Details
Author
Jose Corazon De Jesus
Subject
A Daughter's Farewell To Her Mother And Enduring Suffering Through Tears
Key Lines